1. mangoroyale:

    Minsan, iba talaga ang tadhana. Hindi mo alam kung nananadya o ano. Kapag kailangan mo ng oras na kayong dalawa lang para makapag-usap, hindi nangyayari. Kung anu-anong aberya ang dumarating. Kapag naglabas ka ng saloobin mo, biglang mahuhuli ka pala. Nagbabasa pala siya kahit akala mo imposible.